P90K halaga ng shabu nasamsam sa buy-bust sa Caloocan

Nasabat ng Caloocan Police ang aabot sa P90,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa A. Mabini Ave. Brgy. 33, Caloocan City.

Ayon kay Station Drug Enforcement Unit chief Police Capt. Deo Cabildo, nagkasa ng operasyon ang mga awtoridad laban sa suspek na nakilala sa alyas na ‘Kuya’.

Tinangkang bumili ng police poseur buyer ng P19,000 na halaga ng shabu mula sa suspek.

Nagpositibo ang transaksyon at agad na inaresto ang suspek.

Nakuhaan ito medium plastic sachet ng shabu na may bigat na 25 gramo.

Nadiskubre ng pulisya na galing pang-Quiapo, Maynila ang suspek at dumarayo lang ng Caloocan para magtulak ng droga.

Read more...