Ginebra umakyat sa 3-2 record matapos pataubin ang Magnolia

Hindi pinapalag ng Barangay Ginebra ang Magnolia sa kanilang laban Linggo ng gabi, sa iskor na 105-84 sa 2019 PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Umakyat ang win-loss record ng Gin Kings sa 3-2.

Ayon kay coach Tim Cone, mahalaga ang kanilang laban kagabi at naniniwala siyang marami pang kailangang paghandaan ang kanyang koponan.

“We were looking at the standings going into this game. So it’s a big performance for us,” ani Cone.

Pinangunahan ang Ginebra ng import na si Justin Brownlee makaraang magtala ng 27 points, nine rebounds at 10 assists habang nakadagdag ng tig-14 points sina Scottie Thompson at Japeth Aguilar.

Ang laban sa Ginebra ay ang ikatlo nang sunod na talo ng Hotshots na nalaglag ang record sa 3-4 mark.

Nanguna para sa Magnolia si Rome dela Rosa na may 18 points at nakapagdagdag ng 17 points si Romeo Travis.

Sunod na makalalaban ng Barangay Ginebra ang Rain or Shine sa Sabado.

Susubukan namang tapusin ng Magnolia ang sunud-sunod na talo sa nakatakdag laban sa Columbian sa Linggo.

Read more...