M4.3 na lindol yumanig sa Occidental Mindoro

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang bahagi ng Occidental Mindoro alas-2:39 ng madaling araw ng Lunes.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong pitong kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Santa Cruz.

May lalim ang pagyanig na 27 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa San Jose, Occidental Mindoro.

Instrumental Intensity I naman sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...