‘Word war’ sa pagitan nina Bautista at Guanzon, ititigil na

 

Inquirer file photo

Para sa kapakanan ng bansa at ng Commission on Elections (COMELEC), nagdesisyon na si Commissioner Rowena Guanzon na isasantabi na ang iringan sa pagitan nila ni Chairman Andres Bautista.

Ayon kay Guanzon, mas importanteng isipin ang mas ikabubuti ng lahat kaya’t mas maigi nang mag-‘move forward’ na mula sa isyu.

Kaugnay dito, una na ring tiniyak ni Commissioner Arthur Lim sa mga mamamayan na iiwanan na ng COMELEC ang kontrobersyal na ‘word war’ sa pagitan nina Guanzon at Bautista na gumulantang hindi lang sa poll body kundi pati sa publiko.

Giit ni Lim, normal lamang ang ganitong mga hindi pagkakaintindihan sa anumang poll body, pero ang mahalaga ay naresolbahan ito.

Magugunitang nag-simula ang iringan na ito nang maghain ng umano’y hindi otorisadong komento si Guanzon sa Korte Suprema sa ngalan ng COMELEC kaugnay sa pagdiskwalipika nila sa kandidatura ni Sen. Grace Poe, na sinita ni Bautista.

Read more...