FlipTop rapper na si ‘LilJohn’ patay sa pamamaril sa Cavite

FlipTop Battle League

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang sikat na FlipTop rapper na si LilJohn matapos pagbabarilin sa Brgy. Carsadang Bago 1, Imus City Cavite, Linggo ng hapon.

Ayon kay Imus City Police chief Police Lt. Col. Junar Alamo, nakaupo sa kanyang motorsiklo na nasa tapat ng isang tindahan ng pagkain si LilJohn, Jon Ross Delos Santos sa tunay na buhay, nang barilin sa ulo.

Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng bala at patuloy na iniimbestigahan ang motibo rito.

Lubos na nagdadalamhati ang FlipTop community sa insidente.

Ang 35-anyos na rapper ay residente ng Tambo, Parañaque at hinahanggan sa pakikipag rap battle na ang videos ay viral sa YouTube.

Read more...