ALAMIN: Halaga ng rollback sa petrolyo sa Martes, October 22

Good news para sa mga motorista!

May rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo para sa linggong ito.

Sa anunsyo ng Shell, may tapyas na P0.25 sa presyo ng kada litro ng kanilang gasolina habang P0.10 naman sa kada litro ng diesel.

May bawas-presyo din ang kerosene o gaas ng Shell na P0.25 sa kada litro.

Epektibo ang rollback ng kumpanya alas-6:00 bukas, Martes ng umaga.

Samantala, ang Cleanfuel naman ay nagpatupad na ng rollback alas-4:01 ng hapon ng Linggo.

Mas malaki ang price rollback ng Cleanfuel na umabot sa P0.40 sa kada litro ng gasolina habang P0.15 sa kada litro ng diesel.

Inaasahang mag-aanunsyo na rin ngayong araw ng bawas-presyo ang iba pang kumpanya ng langis.

Ayon sa oil industry sources, ang rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyo sa pandaigdigang merkado kasunod ng paglaki ng imbentaryo ng langis sa US at paghina naman ng overall demand lalo na sa China.

Read more...