Ayon sa 11pm at last severe weather bulletin ng PAGASA para sa naturang bagyo, huli itong namataan sa layong 1,035 kilometro Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes.
Humina ito taglay na lang ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 135 kilometro bawat oras at nasa severe tropical storm category.
Walang direktang epekto ang bagyo sa anumang bahagi ng bansa.
Samantala, isang severe tropical storm pa ang binabantayan ng PAGASA na nasa karagatang Pacifico at may international name na ‘Bualoi’.
Huling namataan ang bayo sa layong 2,690 kilometro Silangan ng Visayas.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 135 kilometro bawat oras.
Ayon sa PAGASA, mababa naman ang tyansang pumasok sa PAR ang nasabing bagyo.
Ngayong Lunes, inaasahan ang mga paminsan-minsang pagbugso ng hangin sa extreme northern Luzon dahil sa northeasterly surface windflow.
Nakataas ang gale warning at pinagbabawal pa rin ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng Batanes, northern coast ng Cagayan kasama ang Babuyan Islands at northern coast ng Ilocos Norte.