Tumama ang magnitude 4.8 na lindol sa Davao del Sur, Linggo ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 7 kilometers Southwest ng Sulop bandang 7:50 ng gabi.
May lalim ang lindol na 17 kilometers at tectonic ang origin.
Dahil dito, naitala ang mga sumusunod na instrumental intensities:
Intensity 4:
– Malungon, Sarangani
Intensity 2:
– General Santos City
Intensity 1:
– Kiamba, Sarangani; Cagayan de Oro City
Sinabi ng ahensya na walan namang napaulat na pinsala o aftershock matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES