Sa January 18 na nakatakdang makipagpulong si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng Nationalist People’s Coalition o NPC.
Ang NPC ang ikalawang pinakamalaking partidong pulitikal sa bansa.
Ayon kay NPC spokesperson at Quezon Rep. Mark Enverga, makikipag-dayalogo sila kay Duterte upang pakinggan ang mga programa at plataporma nito sakaling manalo bilang Pangulo.
Sakaling matapos na ang pakikipagpulong sa alkalde, dito na magdedesisyon ang partido kung sino ang susuportahang presidential candidate para sa may 9 polls.
Una rito, nakipag-dayalogo na ang NPC kina Liberal Paarty standard bearer Mar Roxas, Vice President Jejomar Binay at senador Grace Poe na tumatakbo bilang isang independent candidate.
Si Duterte ay tumatakbo bilang standard bearer ng PDP-Laban.