Pascal Siakam, magiging bahagi ng Toronto Raptors sa susunod na 4 na taon

Magiging bahagi pa rin ang manlalarong si Pascal Siakam ng Toronto Raptors.

Base sa ulat, pumayag si Siakam sa four-year extension na alok ng koponan.

Nagkakahalaga ang apat na taong kontrata ng Raptors kay Siakam ng $130 million.

Naging maganda ang performance ni Siakam sa koponan bilang Most Improved Player noong nagdaang NBA champions.

Nakapagtala kasi si Siakam ng average career highs na 16.9 points, 6.9 rebounds at 3.1 assists.

Read more...