Ilang biyahe sa NAIA, kinansela ngayong araw

Photo grab from Ninoy Aquino International Airport MIAA’s Facebook page

Kanselado ang ilang flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), araw ng Linggo.

Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), ito ay bunsod ng nararanasang sama ng panahon.

Kinansela ang dalawang flight ng Skyjet sa NAIA Terminal 4:
M8 816 na biyaheng Manila – Basco
M8 817 na biyaheng Basco – Manila

Pinayuhan naman ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng kanilang pamasahe.

Read more...