Bagyong Perla, posibleng lumabas ng bansa sa mga susunod na oras; Panibagong bagyo, binabantayan sa labas ng PAR

Photo grab from PAGASA’s website

Isa pang bagong bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayan ng PAGASA.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PAGASA weather forecaster Jun Galang na ito ay may international name na Bualoi.

Nasa 2,900 kilometer ng Silangang bahagi ng Visayas ang bagyo.

Pero ayon kay Galang, kung hindi magbabago ang direksyon, hindi papasok sa PAR ang naturang bagyo.

Samanatala, lalabas na ng PAR ang Bagyong Perla, Linggo ng gabi o Lunes ng madaling araw.

Ayon kay Galang, mabilis na kumikilos ang Bagyong Perla sa North Northeast direction.

Wala aniyang epekto na pag-ulan ang Bagyong Perla.

Pero mapanganib pa rin aniyang pumalaot ang maliliit na sasakyang pandagat sa Batanes, Cagayan, Babuyan Group of Islands at Ilocos Norte dahil sa malalakas na alon.

Makararanas pa rin ng bahayagng maulap na kalangitan at pulu-pulong pag-ulan ang mga nabanggit na lugar.

Maganda naman ang lagay ng panahon sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa maliban na lamang sa localized thunderstorm.

Paalala ng PAGASA sa publiko, magdala ng payong sa biglaang pagbuhos ng ulan.

Read more...