Sa kanyang post sa Instagram araw ng Sabado, oras ditto sa Pilipinas, sinabi ni Samantha na iiwas muna siya sa pagkomento hinggil sa isyu sa kanyang pasaporte hangga’t makarating sa Venezuela.
Alam umano niya na hinihintay ng Publiko ang kanyang komento hinggil sa isyu, mistula aniyang rollercoaster ang stress at hindi magandang pangyayari na kanyang dinanas nitong mga nakaraang lingo kaya’t iwas na muna siya na maghayag ng kanyang saloobin.
Ayon sa beauty queen, babasagin lamang niya ang kanyang katahimikan oras na makarating na siya ng ligtas sa Venezuela.
Sa kabila aniya ng trauma ay kinailangan niyang mag- moved forward at ipagpatuloy ang kanyang journey sa dahilan na hjndi niya sinasadya kung anuman ang ipinupukol na kontrobersiya ngayon laban sa kanya.
Una nang napaulat na pinigil at pina-deport ng French authorities si Samantha sa France dahil sa kawalan ng official passport record sa Department of Foreign Affairs.
Sinabi ni Samantha sa Instagram na nabigo ang kanyang local organizer na masiguro ang pagkakaroon niya ng proper transit visa.