Sabi ng alkalde, lubos niyang sinusuportahan ang findings laban kay Albayalde dahil halata naman na malakas ang mga ibedensiya kahit circumstantial lamang.
Dapat aniyang managot si Albayalde sa tangkang panghihimasok sa kaso ng tinaguriang “ninja cops” nang siya pa ang hepe ng Pampanga police.
Si Albayalde ay posibleng maharap sa kasong paglabag sa Section 3 (a) ng Republic Act o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2001.
Samantala, nananawagan naman si Magalong sa mga police officers na sangkot sa diumanoy drugs recycling scheme na makipag-tulungan na lamang sa gagawing imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa kaso.
Pinuna din nito ang estilo ni Albayalde na panghuhuli ng mga natutulog na pulis sa mga presinto. Aniya, ang pagdadala ni Albayalde ng media kasabay nang panghuhuli sa mga natutulog na pulis ay may masamang impact lamang, dahil mawawalan na aniya ng tiwala ang publiko sa pulisya.