Umakyat na sa 167 ang bilang ng mga nasaktan sanhi ng malakas na pagyanig sa Mindanao noong nakaraang oktubre 16, 2019 batay sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council(NDRRMC) sabado ng hapon.
Sa naturang bilang, 95 ay mula sa Region XI habang 72 naman sa Region XII.
Umakyat naman sa pito ang bilang ng mga nasawi.
Ang magnitude 6.3 na lindol na ang episentro ay naitala sa Makilala, Cotabato ay naganap 7:37 gabi ng miyerkules.
Sabi ng NDRRMC, 611 na mga aftershocks na ang naiuulat hanggang sabado ng gabi.
Iniulat din nito na nadagdagan pa ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng lindol, mula sa 1,653 families o katumbas ng 8,265 na katao ay umakyat pa ang bilang sa 3,879 families o 19,395 na indibiduwal hanggang sabado ng hapon.
58 pamilya naman o 352 na katao ang pansamantalang nanunuluyan sa evacuation centers habang ang 572 families o 2,798 na indibiduwal ay nanunuluyan sa labas ng evacuation centers.
Kabuuang 2,512 na imprastraktura naman ang nasira sa sa Regions XI, XII at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.