Ayon kay DA Secretary William Dar, ang nasabing hakbang ay sa ilalim ng Palay sa Lalawigan Program na magbibigay ng pahintulot sa mga PLGUs na humiram ng pera sa LBP upang gamitin na kapital para sa rice industry.
Nakipag-ugnayan na rin ang ahensya sa LBP upang magkaroon ng loan schemes na may maliit o zero interest para naman sa mga magsasaka.
Maliban dito, binawasan din anya ang mga kailangang mga dokumento para mas maraming mga magsasaka ang mahikayat na magloan.
Hinikayat naman ng kalihim ang mga PLGUs na gamitin ang mga hihiraming pera sa LBP upang ipambili ng drying at storage facilities na itatayo sa mga lalawigan at gawin itong available sa mga magsasaka.
Sa ganitong paraan anya, makakatulong na mapigilan ang patuloy na pagbaba ng presyo ng palay na direktang mabibili sa mga magsasaka ng palay.