Abando tiniyak na tatapusin ang 4-year stay sa UST

Tristan Tamayo, INQUIRER.net

Matapos na maintriga na kinukuha siya ng ibang team sa UAAP, tiniyak ni Rhenz Abando na mananatili siya sa University of Santo Tomas (UST).

Muling naglaro si Abando sa UST matapos na hindi maglaro sa isang game sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament.

Ayon kay Abando, pareho pa rin ang kanyang pagmamahal sa UST community.

Pahayag ito ng player matapos manalo ang kanyang team kontra National University sa Ynares Center araw ng Sabado.

Nasa gitna ng kontrobersya si Abando matapos mabunyag na kinukuha ito ng ibang unibersidad.

Pero nanindigan ito na tatapusin niya ang 4 na taong pagiging UST player.

Pinasalamatan din ni Abando si dating UST volleyball star Cherry Rondina.

Nag-usap ang dalawa at naisip umano ni Abando na mas dapat niyang mahalin ang UST.

 

Read more...