Bagyong Perla naging isang Typhoon habang lumalapit sa hilagang bahagi ng bansa

Naging isa ng Typhoon ang Bagyong Perla habang mabagal na tinatahak ang hilagang bahagi ng bansa.

Sa Pagasa Severe Weather Bulletin No. 9 na inilabas alas 11:00 Sabado ng gabi, huling namataan ang Typhoon Perla sa 580 kilometers East Northeast ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 120 kilometers per hour at bugsong 150 kilometers per hour habang mabagal ang paglapit sa hilaga ng Pilipinas.

Walang tropical cyclone wind signal na nakataas sa anumang bahagi ng bansa pero iiral ang occasional gustiness sa Extreme Northern Luzon hanggang sa susunod na linggo dahil sa northeasterly surface wind flow.

Hindi inaasahang makakaapekto ang bagyo sa Extreme Northern Luzon pero pinayuhan ang mga residente na magmonitor ng weather update.

Mapanganib ang paglalayag ng maliliit na sasakyang pandagat sa seaboards ng Northern Luzon.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon Perla sa pagitan ng Linggo ng gabi at Lunes ng umaga.

Samantala, ang Tropical Storm Bualoi na nasa labas ng PAR ay nasa silangang bahagi ng Visayas.

Tinatahak nito ang Kanlurang direksyon sa bilis na 20 kilometers per hour pero maliit ang tsansa na pumasok sa bansa.

 

Read more...