Capoocan, Leyte, niyanig ng 3.4 magnitude na lindol ngayong araw (Oct. 19)

Niyanig ng 3.4 magnitude na lindol ang bayan ng Capoocan, lalawigan ng Leyte.

Naramdaman ang pagyanig bandang alas-3:10, Sabado ng hapon, Oct. 19, sa layong 80 kilometer sa kanlurang bahagi ng Bayan ng Capoocan sa nasabing lalawigan.

May lalim na 20 kilometer ang nasabing pagyanig at tectonic ang pinagmulan nito.

Base sa tala ng Phivolcs, walang naramdaman na mga intensity sa dulot ng pagyanig at wala rin inaasahan mga aftershock na sanhi ng lindol.,

Wala naman naitilang napinsala na mga ari-arian at nasugatan na mga residente ng nasabing bayan ng dahil sa lindol.

Read more...