Trade deal ng U.S. at China, maaaring matuloy na sa susunod na buwan

AP Photo

Inaasahan ni U.S. President Donald Trump na matutuloy ang kasunduan sa trade deal sa pagitan ng China at United States dahil sa gagawing Asia-Pacific Economic Cooperation meeting na gaganapin sa bansang Chile.

Ayon sa pangulo ng US, may maayos naugnayan ang US sa bansang China kaya madali lang malalagdaan ang kasunduan sa trade deal.

Kamakailan ay inanunsyo ng White House na pumayag na ang China na bilhin ang halos $50 billion ng U.S. farm products kada taon.

Samantala, nakatakda naman magbigay ng detalye si Chinese Vice Premiere Liu He ukol sa progreso ng naturang trade deal sa darating na mga araw.

Read more...