1 patay sa sunog sa Cebu City Sports Complex

Photo: Cebu Daily News

Patay ang isang 15-anyos na dalagita sa sunog na sumiklab sa Sitio Amor, Barangay Sambag 1, Cebu City madaling araw ng Sabado.

Nagsimula ang sunog bandang alas-2:25 ng madaling araw sa mga bahay sa likuran ng grandstand ng Cebu City Sports Complex.

Bandang alas-4:59 ng umaga nang ideklara itong fire-under control.

Nadamay sa sunog ang bahagi ang audio and props rooms ng sports complex.

Hindi pa alam ang pinagmulan ng apoy at inaalam pa ang pagkakilalan sa nasawi.

Read more...