Kampo ni Robredo kay Marcos: “Move on, you lost, accept it”

Noy Morcoso, INQUIRER.net

Sinabihan ng kampo ni Vice President Leni Robredo si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mag move on na matapos ang resulta ng recount ng Korte Suprema.

Ayon sa tagapagsalita ng Pangalawang Pangulo na si Atty. Barry Gutierrez, dapat nang mag move on si Marcos dahil malinaw anya na natalo ito sa mga probinsya na siya mismo ang pumili.

“It is clear that Marcos lost in the recount of provinces he himself picked…Our position is clear. This is a definite basis to dismiss the protest…I would tell Mr. Marcos the same favorite phrase of his family—move on, you lost, accept it,” ani Gutierrez.

Sa Supreme Court recount sa tatlong pilot provinces ay tumaas pa ang lamang ni Robredo kay Marcos.

Binanggit ng abogado ni Robredo na si Atty. Ma. Bernadette Sardillo ang opinyon ni Associate Justice Benjamin Caguioa na nagrekomendang ibasura ang posisyon ni Marcos na siya ang nanalo sa 2016 vice presidential race pero nadaya lamang.

Pinagtibay anya ng resulta ng recount ang posisyon na si Robredo ang nanalo sa mga lalawigan ng Iloilo, Camarines Sur at Negros Oriental.

“Clearly, we won in May 2016 and we have proven our victory again in the recount…The Marcos camp should respect the decision of the Filipino people and not confuse the public with misinformation and lies,” pahayag ni Sardillo.

 

Read more...