TNT tinalo ang Alaska sa OT

Tinalo ng TNT ang Alaska sa overtime period ng kanilang laban sa PBA Governors’ Cup sa score na 99-93 sa Ynares Center sa Antipolo Biyernes ng gabi.

Walo sa sampung puntos ni TNT import KJ McDaniels sa overtime ang nagpalawig sa panalo ng ka Tropa.

Sa kabuuan ay gumawa si McDaniels ng 37 points at 13 rebounds kabilang ang layup na dahilan ng OT kontra Aces.

Nagdagdag naman si Troy Rosario ng 23 points sa panalo ng TNT na ngayon ay may malinis na kartadang 7-0.

Target ng TNT na mapagbuti pa ang standing sa laban sa NLEX sa susunod na linggo.

Samantala ang Alaska ay target na manalo sa sunod na laban kontra sa Blackwater.

 

Read more...