Ayon kay CHR spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, ang pahayag ng pangulo ay isa umanong pagkunsinti sa “impunity.”
Hindi anya dapat gawin ang pahayag para maging normal ang karahasan sa bansa at pumatay ng tao.
Paalala ng ahensya, hindi dapat magsagawa ng “extra-legal process” ang mga otoridad sa implementasyon ng drug war.
Iginiit pa ng CHR na ang law enforcement agents lalo na ang mga pulis ay dapat sundin ang standard operating procedures at paggalang sa karapatang pantao sa gitna ng pagtupad ng kanilang tungkulin.
Pinaalalahanan din ng ahensya ang administrasyon na hindi dapat hikayatin ang mga pulis na labagin ang batas dahil may paraan para panagutin ang mga masasamang loob.