Sa kabila ng ASF scare, ‘pork fest’ idinaos sa Misamis Oriental

Sa kabila ng African Swine Fever (ASF) scare ay itinuloy ang pagsasagawa ng ‘pork fest’ sa Misamis Oriental.

Sa ngayon ay nananatiling ASF free ang Misamis Oriental.

Sa isinagawang aktibidad, pinagsalu-saluhan ng mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan ang mga lechon at iba pang pork products.

Nagmistulang banquet area ang Provincial Capitol grounds matapos ilatag ang mga lechon at iba pang lutuing karneng baboy sa mga lamesa.

Ginawa ang aktibidad kasabay ng pagdiriwang 2019 Meat Safety Consciousness Week.

Ayon kay Dr. Antonio Resma, provincial agriculturist, 25 lechon at 125 kilo ng pork meat ang iniluto.

Ito ay para ipakita na rin sa publiko na ligtas bumili at kumain ng karneng baboy sa lalawigan.

Read more...