Boyce Avenue babalik sa bansa para sa one-night concert

Nakatakdang bumalik sa Pilipinas ang American Trio na Boyce Avenue para sa Valentine concert.

Magaganap ang concert sa Araneta Coliseum sa February 16, 2020 ayon sa producer na Wilbros Live.

Ibinahagi din ng grupo sa kanilang Instagram ang poster ng concert.

Magkakaroon din ng performance sa nasabing concert ang December Avenue at I Belong to the Zoo.

Sa Oct. 26 ilalabas ang tickets para sa concert.

Ang Boyce Avenue ay naging tanyag sa kanilang cover acoustic songs.

Read more...