Sa inilabas na pahayag ng kagawaran, nadiskubre nila ang modus nang makatanggap ng impormasyon ang kanilang Information and Publication Services mula sa isang babaeng naghahanap ng trabaho.
Ayon sa babae, isang Arthur Villena ang nagpakilala na empleado ng DOLE ang sumagot sa kanyang tanong ukol sa trabaho na iniaalok sa Facebook page ng ‘DOLE Job-Assistance Local and Abroad.’
Aniya ang social media account ay naglalaman ng mga inaalok na trabaho bilang nurse, caregiverm manager at restaurant staff sa Canada, Australia, Singapore at London, maging sa Southern Tagalog.
Makikita sa Facebook page, na gamit ang logo ng DOLE, ang mga retrato ng trainings at ni dating Labor Sec. Rosalinda Baldoz.
Kuwento pa nito, nagpadala siya ng P1,000 bilang reservation fee sa kanyang nakausap.
Napagtanto nito na naloko lang siya nang sundin niya ang bilin ni Villena na magtungo sa main office ng DOLE at hanapin siya.