Bayabas, Surigao del Sur niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bayan ng Bayabas sa Surigao del Sur.

Naitala ng Phivolcs ang lindol sa layong 62 kilometers northeast ng Bayabas.

Naganap ang pagyanig alas 10:44 ng umaga ng Biyernes, Oct. 18.

Ayon sa Phivolcs, 9 kilometers lang ang lalim ng lindol at tectonic ang origin nito.

Hindi naman into inaasahan na magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...