Gat Andres Hospital magpapatupad ng temporary closure sa kanilang emergency room

Isasara sa loob ng dalawang araw ang emergency room ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Maynila.

Ito ay para isailalim ang emergency room sa terminal cleaning at disinfection.

Gagawin ang pagsasara mula bukas, Oct. 19 hanggang sa October 20 araw ng Linggo.

Sa memorandum na nilagdaan ng OIC Hospital Director na si Dr. Teodoro Martin, inabisuhan ang mga kalapit na pagamutan na i-accommodate muna ang mga pasyenteng maaapektuhan ng pagsasara ng kanilang emergency room.

Ang mga pasyente na magtutungo sa emergency room ng Gat Andres sa Sabado at Linggo ay palilipatin muna sa mga kalapit na pagamutan gaya ng Ospital ng Maynila, Justice Jose Abad Santos General Hospital, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Tondo, at Sta. Ana Hospital.

Read more...