Ilang lansangan sa Maynila isasara ngayong hapon at bukas

Radyo Inquirer File Photo

Isasara sa mga motorista ang ilang lansangan sa Maynila ngayong araw Oct. 18 at bukas, Oct. 19 para sa dalawang magkaibang events.

Ayon sa Manila Police District (MPD), ang north at southbound lanes ng Roxas Boulevard, mula T.M. Kalaw hanggang sa Katigbak Drive ay isasara sa daloy ng traffic mula alas 3:00 ng hapon ngayong Biyernes para bigyang-daan ang wreath-laying ceremony sa Rizal Park na pangungunahan ni Indian President Ram Nath Kovind.

Samantala, bukas araw ng Sabado, Oct. 19 ay ilang kalsada rin ang isasara sa lungsod mula alas 4:00 ng hapon para sa idaraos na “Oktoberfest sa Maynila”.

Ipatutupad ang road closure sa sumusunod na lugar:

– kahabaan ng J. Nakpil Street, mula Guerrero Street hanggang sa Adriatico Street sa Malate, Manila
– kahabaan ng Bocobo Street, mula sa Remedios Circle hanggang J. Nakpil Street

Pinayuhan ang mga motorista na iwasan ang mga apektadong kalsada para hindi maabala.

Read more...