Ilang oras na nangyari ang barilan sa pagitan ng Mexican security forces sa Culiacan, Sinaloa at grupo ng mga lalaking nakasuot ng face masks.
Kalaunan ay inanunsyo ng mga otoridad sa Mexico na nadakip nila ang 28 anyos na anak ni El Chapo na si Ovidio Guzmán López.
Si Ovidio Guzman ay isa sa mga anak ni El Chapo na nagpatuloy ng operasyon ng Sinaloa cartel.
May kinakaharap na kaso ang nakababatang Guzman gayundin ang isa pa niyang kapatid na si Joaquín Guzmán López.
Bago ang palitan ng putok, sinabi ni Sinaloa public security secretary, Cristóbal Castañeda na nagkaroon ng mass jailbreak at tumakas ang nasa 20 hanggang 30 preso.
Pinayuhan naman ang mga residente na iwasan muna ang lumabas hangga’t hindi natitiyak na ligtas na ang lungsod.