Naniniwala si De Lima na isang paraan ito para masolusyon ang mga problema ukol sa sobrang katabaan at tamang nutrisyon sa mga Filipino.
Inihain ng senadora ang Senate Bill No. 854 para malaman ng mga kustomer ang ‘nutritional information’ ng mga pagkain sa mga kainan.
Paliwanag nito, sa ganitong paraan ay malalaman ng kustomer kung angkop ang nutrisyon ang kanyang makukuha sa kanyang kakainin.
Makakatulong ito aniya sa mga kustomer na may partikular na diet dahil sa kanilang kondisyon, tulad ng mga may sakit sa puso at diabetes.
Binanggit ni De Lima na tatlo sa bawat 10 Filipino ang sobra sa timbang ayon na rin sa isinagawang National Nutrition Survey ng Food and Nutrition Institute noong 2013.