Bayan ng Makilala sa North Cotabato isinailalim sa state of calamity

Lindol sa Cotabato

Isinailalim sa state of calamity ang bayan ng Makilala sa North Cotabato.

Ito ay dahil sa tindi ng pinsalang natamo ng naturang bayan matapos ang magnitude 6.3 na lindol na tumama sa Cotabato noong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Makilala Vice Mayor, Ryan Tabanay, 63 bahay ang nasira sa kanilang bayan at nakapagtala ng 24 na residenteng sugatan.

May mga napinsala ding simbahan, iba pang straktura at ang kanilang munisipyo ay nagtamo ng minor damage.

Layunin ng deklarasyon ng state of calamity na magamit ang 5 percent na calamity fund ng Makilala upang matulungan ang mga naapektuhan ng pagyanig.

Read more...