11 hinihinalang miyembro ng NPA sumuko sa Masbate

Labingisang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga Masbate police.

Ayon kay Bicol police spokesperson Major Maria Luisa Calubaquib, tatlo sa mga sumuko ay pawang regular NPA members habang ang iba pa ay mga mass-based member ng Larangan Guerilla North Masbate ng Jose Rapsing Command ng NPA na nago-operate sa Masbate.

Pawang residente ng Barangay Igang sa Masbate City ang mga sumuko.

Isinagawa ang seremonya ng pagsuko sa Masbate 1st Provincial Mobile Force Command Headquarters sa Camp Bonny Serrano.

Ayon sa mga otoridad, may isinuko ring mga armas ang mga rebelde na kinabibilangan ng dalawang caliber 357 revolvers at isang caliber 38 revolver.

Read more...