Demolisyon sa mga kubol sa maximum security compound ng Bilibid natapos na

Natapos na ang paggiba sa mga kubol sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).

Ayon kay Maj. Albert Taripu, tagapagsalita ng NBP, Biyernes (Oct. 18) ng umaga nang matapos ang paggiba sa mga kubol sa maximum security compound.

Kailangan na lang aniyang maglinis at maikarga ang mga kalat at debris sa dump trucks.

Ayon kay Taripu, sa kasagsagan ng demolisyon may mga nadiskubre din silang mga preso na na baldado na at may malalang sakit.

Sa pagtaya ni Taripu, maaring sa susunod na linggo tuluyan nang matatapos ang clearing operations sa Bilibid.

Samantala, maliban sa mga preso ay pinagbawalan din na gumamit ng cellphone ang mga empleyado ng BuCor sa maximum security compound.

Dahil sa pagkumpiska sa cellphone ng mga preso naputol ang komunikasyon ng mga Chinese drug lord sa kanilang mga contact sa labas hinggil sa operasyon nila ng ilegal na droga.

Read more...