Sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III, itutuloy nila ang pagpapabakuna sa mga bata kapag natiyak na ang kaligtasan sa mga lugar na niyanig ng lindol.
Aniya prayoridad nila ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan at volunteers na nagbabalkuna sa mga bata.
Magugunita na nitong Lunes lang nang sinimulan ng DOH ang “Sabayang Patak Kontra Polio” sa buong bansa.
Sinabi pa ni Duque maging sa mga pribadong ospital ay may libreng oral anti polio vaccine bukod sa mga health centers at government hospitals.
READ NEXT
BuCor nanawagan sa bagong NCRPO chief na panatilihin ang 1,500 na pulis na itinalaga sa bilibid ni Maj. Gen. Guillermo Eleazar
MOST READ
LATEST STORIES