BuCor nanawagan sa bagong NCRPO chief na panatilihin ang 1,500 na pulis na itinalaga sa bilibid ni Maj. Gen. Guillermo Eleazar

Hiniling ng Bureau of Corrections (BuCor) sa bagong pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na panatilihin ang bilang ng mga pulis na itinalaga sa New Bilibid Prisons (NBP).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni NBP spokesperson, Maj. Albert Tapiru na napakalaking bagay sa ginagawa nilang cleansing sa Bilibid ng 1,500 na pulis na itinalaga ni dating NCRPO chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar.

Ani Tapiru, maliban sa 1,500 pulis na may kasamang mga SWAT at sniper ay nagpadala din si Eleazar ng apat ng armored personnel carrier (APC).

Panawagan ni Tapiru kay bagong NCRPO chief, Brig. Gen. Debold Sinas panatilihin ang mga pulis sa Bilibid dahil malaking tulong ito para madisiplina ang mga preso.

Mula nang maupo sa pwesto ang bagong BuCor Director na si Gerald Bantag, sinabi ni Tapiru na umabot na sa 353 na jail guards ang inalis sa maximum security compound.

Dinala sila sa iba’t ibang penal farm colony sa bansa at ang itinalagang bagong jail guards sa loob ng bilibid ay mga pulis at mga bagong tauhan ng BJMP.

Read more...