Water level ng Angat dam nabawasan pa; nasa 187.28 meters na lang
Muling nabawasan ang water level ng mga dam sa Luzon.
Ayon sa PAGASA Hydro-meteorology division, nabawasan ang water level ng Angat dam na nasa 187.28 meters, alas 6:00 ngayong umaga ng Biyernes (October 18) mas mababa sa 187.49 meters na antas nito kahapon.
Bahagya ring nabawasan ang water level ng La Mesa dam na nasa 77.78 meters ngayong umaga mas mababa sa 77.83 meters na antas nito kahapon.
Nabawasan din ang Ipo, Ambuklao Pantabangan at Magat dams.
Samantala, nadagdagan naman ang Binga, San Roque at Caliraya dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.