Gold medalist Carlos Yulo, pinagkalooban ng P500,000 ng Manila City gov’t

Photo courtesy: Manila PIO

Pinagkalooban ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang Filipino world gymnastics champion na si Carlos Yulo ng P500,000.

Ito ay matapos masungkit ni Yulo ang gintong medalya sa 49th Artistic Gymnastics World Championships.

Kasabay ng courtesy call nito, personal na inabot ni Mayor Isko Moreno ang cash incentive sa atleta.

Pinangunahan naman ni Vice Mayor Dr. Honey Lacuna-Pangan ang pagpapasa ng resolusyon para bigyang pagkilala si Yulo dahil sa pagiging kauna-unahang Filipino gymnast na nakasungkit ng gintong medalya.

Nakasaad sa resolusyon na napagbuti ang interes ni Yulo sa gymnastics kasabay ng panonood ng mga pagsasanay at pagsali sa mga kompetisyon sa Rizal Memorial Sports Complex.

Kasama ni Yulo sa courtesy call ang Japanese coach na si Munehiro Kugimiya.

Read more...