Pangulong Duterte, nakadalo pa rin sa isang business event sa kabila ng minor motor accident

Photo grab from PCOO’s Facebook live video

Nakadalo pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng pag-semplang habang nagmo-motor sa Malakanyang.

Nakapagbigay pa ang pangulo ang kaniyang talumpati sa 45th Philippine Business Conference and Expo Sa Fiesta Pavilion ng Manila Hotel, Huwebes ng gabi.

Nauna nang sinabi ni President spokesman Salvador Panelo na bahagyang nasugatan ang pangulo sa bahagi ng kaniyang siko at tuhod.

Gayunman, tiniyak ni Panelo na walang dapat ikabahala ang publiko matapos ang minor accident.

Read more...