2 timbog sa buy-bust operation sa Bohol

Arestado ang dalawang drug suspects sa ikinasang buy-bust operation sa Tagbiliran City, Bohol Huwebes ng umaga.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional office 7-Central Visayas, isinagawa ang operasyon sa bahagi ng Benting Street sa Ambassador Arcade bandang 10:00 ng umaga.

Nahuli sa operasyon ang mga suspek na sina Jofrals Napoles, 23-anyos, at Rolando Barbarona Jr., 20-anyos.

Nakumpiska sa dalawang ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na mahigit-kumulang isang gramo, isang cell phone, isang tin foil at ginamit na buy-bust money.

Nagkakahalaga ng P6,800 ang nakuhang hinihinalang shabu sa mga suspek.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...