NBP, nakataas sa red alert status sa paggigiba ng mga kubol

Nakataas sa red alert status ang New Bilibid Prison (NBP), ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).

Sa ipinadalang mensahe, sinabi ni BuCor spokesperson Wena Fe Dalagan na ito ay kasunod ng pagsisimula ng demolition operation sa mga ilegal na istraktura sa pambansang piitan.

Tiniyak naman ni Dalagan sa publiko na walang napaulat na karahasan sa operasyon.

Matatandaang nakipagtulungan ang ilang law enforcement agency sa demolisyon ng mga ilegal na istraktura sa Bilibid.

Read more...