Militar, NPA nagkasagupa sa Quezon

Nagkasagupa ang tropa ng pamahalaan at ilang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Catanauan, Quezon araw ng Huwebes.

Ayon kay Lt. Col. Dennis Cana, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Southern Luzon Command, naganap ang engkwento sa Barangay San Pablo Suha bandang 10:30 ng umaga.

Wala naman aniyang nasawi o nasugatan sa hanay ng 85th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Nakuha sa pinangyarihan ng bakbakan ang naiwang M16 rifle ng rebeldeng grupo.

Nagkasa naman ng operasyon ang militar at pulisya para mahuli ang mga nakatakas na rebelde.

Read more...