Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, lalo kasing tinatabangan ang pangulo kapag panay ang bulong at pagpapadrino.
Nakatakdang mag-retiro bukas, October 18 si Chief Justice Lucas Bersamin habang wala pang permanenteng napipili ang pangulo kapalit ng nagbitiw na si PNP chief Oscar Albayalde.
Pero ayon kay Panelo, nakikinig naman ang pangulo sa mga pinagkakatiwalaang indibidwal pero ang punong ehekutibo pa rin ang may huling pasya sa pagtatalaga ng mga opisyal sa gobyerno
Nasa karakter na aniya ng pangulo na kapag inirekumenda ang isang tao sa partikular na pwesto ay mas lalo nya itong hindi i-aapoint dahil ayaw nito ng palakasan system
Wala din aniyang say dito ang mga malalapit na personalidad sa pangulo tulad na lamang nila Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, Sen Ronald “Bato” Dela Rosa at Sen Bong Go.
Una nang sinabi ng Malacanang na ang pagiging honest at competent ang mga katangiang hinahanap ng pangulo sa mga itinatalaga sa gobyerno.