Malaking sunog sa Gaisano Mall sa Gensan fire-out na

Inquirer file photo

Tuluyan nang naapula ang sumiklab na sunog sa Gaisano Mall sa General Santos City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection – General Santos, idineklarang fire out sa lugar bandang ala una ng hapon.

Nasa tatlumpung trak ng bumbero ang nagtulung-tulong sa pag-aapula ng apoy.

Nagsimula ang sunog sa unang palapag ng mall.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng mga imbestigador kung ano ang dahilan ng sunog.

Wala namang napaulat na nasugatan sa insidente.

Matatandaang sumiklab ang sunog kasunod ng tumamang magnitude 6.3 na lindol sa North Cotabato.

Read more...