Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa panibagong maanomalyang buy-bust operation sa Antipolo city.
Sa Camp Crame, sinabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na nagbaba na ng direktiba si Gamboa para malaman kung saan ito na-delay at kung nakarating ang isinumiteng ulat ng Internal Affairs Service (IAS) sa opisina ng PNP chief.
Ayon kasi sa IAS, naganap ang drug raid sa Antipolo noong May 4 kung saan kabilang ang apat na pulis-Pampanga.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
– Lt. Joven De Guzman
– Master Sgt. Donald Roque
– Master Sgt. Rommel Vital
– Cpl. Romeo Encarnacion Guerrero Jr.
Batay sa inilabas na resolusyon na may petsang October 10, inirekomenda ni IAS Inspector General Alfegar Triambulo ang pagdi-dismiss sa serbisyo ng apat na pulis.
Nakasaad sa resolusyon na guilty ang apat sa ilang bilang ng grave misconduct at less grave neglect of duty.