DPWH naglabas ng hotline para sa mga nilindol sa Mindanao

Inquirer photo

Nagtalaga ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng hotline number matapos tumama ang 6.3 magnitude na lindol sa North Cotabato.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, magiging bukas 24/7 ang hotline number 165-02.

Layon aniya nitong agad matanggap ng ahensya ang mga ulat, inspection request at rescue operations sa mga napinsalang gusali dahil sa yumanig na lindol.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang asssessment ng kagawaran sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao na apektado ng lindol.

Kagabi pa lamang ay sinimulan na rin ng ilang mga local officials sa mga nilindol na lugar ang visual inspection sa mga gusali at imprastraktura sa kanilang mga nasasakupang lugar.

Read more...