Batay sa pinakahuling shellfish bulletin ng ahensya, ito ay dahil positibo pa rin sa paralytic poison ang mga sumusunod na lugar:
– Coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol
– Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte
– Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City sa Palawan
– Irong-irong, San Pedro, at Silanga sa Western Samar
Pinayuhan ang publiko ng BFAR na hindi ligtas ang paghango, pagbenta, pagbili at pagkain ng lahat ng uri ng shellfish o alamang.
Sinabi naman ng BFAR na ligtas ang isda, pusit, at hipon basta’t sariwa at huhugasan nang mabuti at natanggalan ng hasang at bituka bago lutuin.
MOST READ
LATEST STORIES