Nagpalabas din ng babala ang kagawaran sa publiko patungkol sa mga mapanganib na epekto ng e-cigar at mga produktong gawa sa tabako.
Kaugnay nito, inilunsad ng WHO ang bagong ICD Codes para sa mga karamdaman na dulot nang paghitit ng E-cigar.
Ang New International Classification of Disease o ICD 20 code U07.0, ay international tool na gagamitin upang maklasipika at matugaygayan ang naturang sakit, na gagamitin sa pagrereport ng mga pasyenteng tinamaan ng malalang sakit dulot nang paggamit ng e-cigar.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi maaaring gamiting alternatibo ang vapes ng sinumang nagnanais na tumigil sa pagsisigarilyo lalo na at inilalagay nito sa panganib ang buhay ng mga gumagamit, hindi gumagamit at hindi ito para sa mga kabataan.
Binanggit din ng kalihim na sa Estados Unidos, mayroon ng 1,299 na kaso ng vape-related illness at sa bilang na ito ay 26 na ang namamatay.
Kaugnay nito, hinikayat ng kalihim ang mga ospital, mga klinika at iba pang health facilities na gamitin ang tamang code sa pagtukoy at pag-uri ng mga kasong may kaugnayan sa vapes at tabako.