Sa inisyal na imbestigasyon ay sa food court ng mall nag-umpisa ang apoy.
Sa pahayag kasi ng ilang nagtatrabaho sa mall, naiwang bukas ang kalan sa isang stall dahil mabilis silang nagtakbuhan palabas nang tumama ang malakas na magnitude 6.3 na lindol.
Alas 6:59 ng umaga ng Huwebes, Oct. 17 ay nananatili sa general alarm ang sunog.
Apektado na ngayon ng sunog ang ikalawa at ikatlong palapag ng mall.
Nagiging maingat din ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at hindi basta-basta mapasok ang mall dahil maari itong gumuho.
MOST READ
LATEST STORIES